Ang Iyong Disenyo


Ipinakikita ng Krokis na Gulong na ito ang tatlong bahagi ng tao na binubuo ng espiritu, kaluluwa at ang katawan (1 Tesa. 5:23). Ang katawan sa pamamagitang ng mga “senses” ng tao, ay naguugnay sa ating kapaligiran. Ang kaluluwa, o personalidad o pagkatao ay binubuo ng mga ginagawa ng ating isipan, kalooban at damdamin o emosyon. Nakakapag-ugnayan tayo sa iba sa pamamagitan ng kaluluwa. Nalalampasan o nahihigitan natin ang ating abilidad, limitasyon at mga pangyayari dahil sa ating rehenerasyon o kapanganakang-muli at pananahan sa atin ng Banal na Espiritu. 

Ang espiritu ay may relasyon kundi kay Adan—pamilya ni Satanas (tingnan ang Krokis na Linya)—o kay Kristo, pamilya ng Diyos. Tayo ay ipinanganak sa mundo bilang mga inapo ni Adan at may kahalintulad na kalikasan niya.  Ang ibig sabihin nito ay ang ating mga espiritu ay patay sa Diyos at buhay kay Satanas.  Nasa sa maling pamilya tayo!  Dahil sa ang ating mga buhay ay nanggaling sa ating unang ama, si Adan, at babalik tayo sa hindi naputol na tanikala mula sa kanya, tayo ay nasa sa kanya noong siya ay nagkasala.  Sa ganito, tayo ay mga nagkasala na bago pa man tayo ipanganak sa pisikal. Dahil sa ganitong kaso, ginagawa lang natin ang natural kung tayo ay nagkakasala (Rom. 3:23).  Ang bawa’t buhay na nananatili kay Adan sa katapusan ay mapupunta sa impiyerno, tulad ng ipinakikita sa krokis (Rom. 6:23).  Kahit na tayo ay nabuhay na mabuti ayon sa ating pananaw, tayo ay hiwalay sa Diyos hangga’t hindi tayo naipapanganak na muli sa Kanyang pamilya sa papamagitan ng espirituwal na kapanganakan.

 

[next] [back