Isang Gabay sa Kalayaan sa Pamamagitan ng Krus

Ni Charles R. Solomon, Ed. D 

Sa pagbabasa mo nito, maaaring ikaw ay nasa kalagitnaan ng kaguluhan. Hindi ka marahil natulungan ng tao at ang Diyos ay mukhang napakalayo. Lumaki ka marahil na hindi nakaranas ng pagmamahal na tumugon sana sa iyong pangangailangan.  Maaaring hindi mo pa natatanggap o minahal ang iyong sarili. 

Ang kakulangan na madadama ng isang tao upang makayanan ang buhay ay maaaring magbigay ng isang serye ng kalagayan mula sa malumanay na kalungkutan patungo sa isipang pagpapakamatay. Dahil dito ang iyong relasyon sa mga minamahal mo ay nasa punto na ng pagkawasak—o ito ay nasapunto na ng kawalang lunas. Kung ikaw ay nasa punto na ng kawalang pag-asa o matinding kalungkutan o depresyon, ang mensaheng ito ay akma sa iyong kalagayan.

 Minahal ka ng Diyos upang Siya ay magpadala ng isang Persona—Ang Kanyang Anak, ang Panginoong HesuKristo—upang mamatay para sa iyong mga kasalanan, at binuhay Siyang muli at magbigay sa pamamagitan Niya ng lahat ng pangangailangan para sa isang matagumpay at masaganang buhay.  Ngayon, maaaring ikaw ay magtiwala o hindi, na sa Kanyang kamatayan ay naibigay ng Diyos ang walang bayad na kalayaan para sa iyong mga kasalanan. Kung di ka nagtitiwala, ang simpleng mensaheng ito at ang mga krokis upang ilahad ito ay makapagbabago sa iyong buhay sa iyong pagtanggap sa Kanyang buhay—ang Buhay ng Panginoong HesuKristo.

Maaaring nagtiwala ka na sa Panginoong Hesus para sa iyong kaligtasan nguni’t ikaw ay may pagpupunyagi o paglalaban, isang talunang mananampalataya na siyang naghahanap pa rin ng katagumpayan sa buhay Kristiyano.

Kung ang mga situwasyong ito ay naglalarawan ng iyong kalagayan, pakiusap na pag-aralan ang mga sumusunod na mga kaisipan ng may isang bukas na Biblia at isang panalangin na nawa’y liwanagin ng Diyos ang mga katotohanang ito sa iyo.

[next] [language home]